ang kwentong ito ay ginawa pa ni MARCELO SANTOS III
Idolo ko talaga SIYA pagdating sa paggawa ng mga kwento kasi minsan nakaka- Relate ang mga tao.
Ako?
hindi ako nakarelate, pero minsan din akong nangarap na magkaroon ng "boyfriend" na katulad ni Jason (yung nasa kwento). Yun bang susuportahan ka sa gusto mo, sa career mo. Kasi noon yun na laging problema ko. Minsan pa nga umaawit ako pero sobrang bigat ng pakiramdam ko dahil nagtatalo pa kami dahil sa suot ko, sa kilos ko at higit sa lahat ayaw niya talaga akong makita sa gitna ng entablado. nakakalungkot.
NAGHIWALAY NA KAMI
hindi ko na kinaya.
kahit wala na akong BOYFRIEND inuulit-ulit ko paring pinapanuod ang video na ito. Dahil nangangarap parin ako na matatagpuan ko ang taong GUSTO ko...Katulad ni JASON (yung nasa kwento).
October 18,2009
-> nagka nobyo ako. Mabait siya. Alam kong mahal na mahal niya ako. Ang tanong ko lang:
"katulad din kaya siya ni JASON(yung nasa kwento??? Pero laking gulat ko nung isang araw, pumunta kami ng mall. kumanta ako sa KTV. nung pumili ako ng kakantahin, nagpaalam siya:
"Babe, sa labas lang muna ako"
nalungkot ako, di ko naiwasang magtampo, "Bakit? ayaw niya rin bah akong kumanta?" ... Pero pinagpatuloy ko parin ang pagpili ng kakantahin ko. Hanggang sa nag PLAY na nga ang song-- Kumanta parin ako...pero hindi ako mapakali, --Hinahanap ko siya,.. "Okay Fine" sabi ko.
Pero sa kalagitnaan ng kanta ko... nakita ko na siya. Nakangiti. Naupo at pinapanuod ako. Hindi na naman ako mapakali, parang nahihiya ako. ("GOSH dhee, diba ito ang gusto mo?")
Kinilig ako
ganito pala ang feeling
nang matapos na akong kumanta
Siya mismo unang pumalakpak sa akin
lumapit ako sa kanya "BAT KA NAWALA?" ---
Sagot niya : "KINAKABAHAN AKO PAG NAPAPANUOD KITANG KUMANTA"
tumawa ako. Kinabahan na baka mapiyok ako bigla o nahihiya lang xa???
Sumunod na araw..
sa KTV parin bagsak namin, nabigla ako pumili din xa ng kakantahin niya.
Kumakanta din pala siya. Saya ko. Magkasundo pala talaga kami... Araw Araw na kaming nag KKTV! :) Galing niya!
July 23,2010
Acquaintance party namin sa SCHOOL.
yun talaga ang hinding hindi ko makakalimutan.
Ako kasi aawit para sa "PRODUCTION NUMBER"
dahil nasa backstage lang ako, di ko xpected na bigla siyang pumunta dun..
at bigla niya akong niyakap ng mahigpit
"Ba't ka andito" tanong ko sa kanya.
"galingan mo ha? ako kinakabahan eh" sagot naman niya
naganahan tuloy akong magperform! hahahah :D
nang matapos akong magperform sa kanya agad ako lumapit.
may binulong siya sakin "PROUD NA PROUD AKO SAYO"
SWEEETTTTTT :]]
iloveyoupamybabe8teen.
Marahil ikaw na nga ang akin JASON (yung nasa kwento)
fin**
No comments:
Post a Comment